74 na streetlights sa Daraga, Albay, nakatakdang mapailawan

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Local Government Unit (LGU) Daraga, Albay na nakatakda silang magsawa ng inspeksyon sa 74 na streetlights para sa installation ng mga ito.

Ayon kay Daraga Mayor Awin Baldo, iinspekyunin ng Municipal Engineering Office (MEO) ang kahabaan ng T. Perez St. at Regidor St. sa Brgy. Maroroy ng naturang bayan.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Aniya, magkakaroon din ng schedule ang nasabing opisina at APEC personnel para sa pag-iinspeksyon at mapanatili nito ang mga ilaw sa bawat barangay.

Maliban dito, nakapag-install rin ng 58 na streetlights ang MEO sa kahabaan ng Magayon Drive, Brgy. Tagas ng nabanggit na bayan.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Dagdag pa nito, nagpapatuloy pa rin ang pag-aayos sa mga ilaw, kung saan napalitan ang mga ito sa First Park Subdivision sa Brgy. Sagpon, matapos maireport sa kanilang opisina ang mga pondidong ilaw.