72 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Camarines Sur kahapon; sitwasyon sa lalawigan at Naga City Challenging sa Economic Activities

NAGA CITY- Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Sur sa unang linggo ng taong 2022.

Kahapon 72 ang nairecord base sa tala ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO . Tatlo sa mga ito ang hindi napasama sa ulat ng Department of Health- Bicol na mga residente ng Mandaluyog City. Nagtala  ng pinakamaraming kaso ang bayan ng Pili na mayroong 20.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dahil ito umakyat na sa 176 ang aktibong kaso ng sakit na noong Disyembre ay naibaba na sana sa 8.  Samantalang 13, 698 na ang cumulative cases mula 2020.

Sa Naga City naman, 35 ang new cases. Ayon kay Interagency Task Force Incident Commander Renne Gumba malaking hamon nanaman ang sitwasyon lalo na sa Economic Activities. Kailangan aniyang mabalanse ang lahat, lalo pa’t ang Naga ay business hub sa Bicol Region.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Hindi lamang mga taga Naga ang day population. Naririyan ang mga nagtatrabaho ay nagnenegosyo mula sa Camarines Sur o mga may sadya mula sa ibang probinsya sa Bicol. Gayunpaman handa ang lungsod.