71-anyos na Pinay sa California inatake at pinagnakawan pa

Isang 71-anyos na Filipina ang sinalakay at pinagnakawan sa California.

Ayon sa report, kalalabas lamang ng biktima sa isang fastfood store nang agawin ng suspect ang bag nito saka siya hatawin ng matigas na bagay sa ulo.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Mabilis namang nadala sa pagamutan ang biktima habang agad na tumakas ang suspect sakay ng kanyang kotse.

Read More:  Dizon returns to DOTr as Lopez takes over DPWH

Tumanggi muna ang California police na maglabas ng detalye sa insidente habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.