Director ng Bureau of Soil and Water Management pinagre-resign ni Villar

Dismayado ang mga senador sa Bureau of Soil and Water Management matapos nitong na malaman na hindi pa rin nagagastos ang mahigit isang bilyong piso na inilaan para pambili sa mga composting facility for biodegradable waste units.

Sa isinagawang senate inquiry ngayong umaga nasermunan nina Committe chairman Sen. Cynthia Villar at Sen. Imee Marcos si BSWM Director Jonel Soriano dahil matatapos na umano ang taon ay wala pa itong nabili kahit isang unit.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ayon kay Villar sayang lamang ang inilaang pondo para sa mga units dahil ibabalik na naman ito sa national treasury kapag hindi nagamit ngayong taon.

Malaking tulong sana umano ang mga composting facility para maka-produce ng mga fertilizers para sa mga magsasaka lalo na ngayong nagmamahalan ang presyo ng mga pataba sa lupa.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Dahil dito nagbabala si Villar na siya mismo ang magsasampa ng kaso laban sa  mga taga-BSWM kapag hindi inayos ang serbisyo.

Hinamon din ng senadora si Soriano na magbitiw sa pwesto kung hindi nito magagawang magamit ang pera at makakuha ng mga composting facility bago matapos ang taon.