Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nurses sa bansa sa kanyang pagdalo ng 100th Foundation Anniversary ng Philippine Nursing Association at 56th Nursing Week sa Manila Hotel.
Sa kanyang talumpati tinawag ng Pangulo ang mga nurse bilang mga bayani na aniya’y nagpaganda sa pangalan ng pilipinas sa buong mundo dahil sa kanilang serbisyo lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ng Presidente malaking papel din ang ginampanan ng nurse kaya siya nakarecover sa COVID-19 noong tamaan siya noong Marso 2020.
Kasabay nito tiniyak ng pangulo na itutuloy ang pagbibigay ng benepisyo na nararapat para sa health workers.
Sa katunayan kabuuang P25.82 billion pesos na aniya ang nailabas na pondo hazard duty pay , covid-19 death and sickness compensation , meals accomodation and transportation allowances, life insurance, special risk allowance at one covid-19 allowance.
Siniguro naman ni Pangulong Marcos na tutugunan ng pamahalaan ang disparity ng sweldo ng nurse sa public at private hospitals gayundin ang hindi patas na distribusyon ng nurses sa ibat ibang lugar sa bansa.
