120 patay sa matinding pagbaha sa Europa

Umabot na sa halos 120 na tao ang patay habang daan-daan pa ang hindi nahahanap sa nangyaring pinakamalalang pagbaha sa Europa sa loob ng isang dekada.

Ayon sa report, dahil sa malakas na ulan ay umapaw ang maraming ilog at nakasira ng maraming ari-arian.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Nagdeploy na din ang Germany ng 15,000 na mga pulis, sundalo at mga emergency service workers para magsagawa ng search and rescue sa mga missing.

Sa Germany, nasa mahigit 100 na ang naitalang patay, 20 sa Belgium, the Netherlands, Luxemburg at Switzerland.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Kaugnay nito ay idineklara ni Belgian Prime Minister Alexander de Croo ang July 20 bilang national day of mourning.

Sinabi ni Croo na pinangangambahang mas tumaas pa ang death toll kaya nakaantabay sila sa magiging final report.