Babawasan na ng Pilipinas sa pitong araw mula sa dating 10 ang quarantine period para sa mga arriving Filipinos na fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, magsisimula sa July 1 ang pinaikling quarantine period saklaw ang mga darating mula green o low-risk countries at mga bansang mayroong mapagkakatiwalaang proseso sa pagi-isyu ng certificate of vaccination.
Aniya, maglalabas ang Department of Health (DOH) ng listahan ng mga bansa.
Dagdag ng kalihim, ang mga fully vaccinated individuals ay required sumailalim sa seven-day facility-based quarantine at isasagawa ang testing sa ikalimang araw.
Mababatid na kinukunsiderang fully vaccinated na ang tao pag dalawang linggo na ang nakalipas matapos nyang matanggap ang ikalawang dose ng two-dose vaccine at single dose ng vaccine.
Ang mga vaccine brands na kikilalanin ng Pilipinas ay ang mga naisyuhan ng emergency use authorization (EUA) ng local Food and Drug Administration (FDA) at mga nakasailalim sa emergency use list g World Health Organization (WHO).