7-day quarantine matapos ang negative test result, bagong rekomendasyon ng WHO sa mga exposed sa COVID-19

Inirekomenda na ng World Health Organization ang mas maikling quarantine period para sa mga taong exposed sa COVID-19.

Ayon sa WHO, ang mga exposed pero negatibo sa swab test ay maaari nang mag-quarantine ng pitong araw na lang sa halip na 14 days.

Read More:  India’s air pollution worsens ahead of Diwali celebrations

Nilinaw din ng WHO na maaari namang paabutin ng 10 days ang quarantine ng mga exposed sa COVID-19 kung hindi available ang testing at walang nararamdaman na simtomas.

Matatandaan na dating inirekomenda ang 14days na mandatory quarantine sa mga taong nakasalamuha ng mga positibo sa COVID-19 at maging sa mga nanggaling sa biyahe mula sa ibang lugar.

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Ito ay upang matiyak na hindi sila carrier ng virus at kung sakali mang nahawa ay maiiwasan ang lalo pang pagkalat ng kinatatakutang virus