Transport groups magkakasa ng malawakang tigil-pasada, P10 minimum fare ihihirit

Nakatakdang magsagawa ng malawakang transport strike ang iba’t-ibang grupo sa gitna ng sunod-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Kinumpira ni Ka Lando Marquez, Presidente ng Liga ng Transportasyon at mga Operators sa Pilipinas (LTOP), na nagkaroon na nang pagpupulong ang mga transport group sa NCR, CALABARZON at Central Luzon para isagawa ang malawakang tigil-pasada.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Iniyahag ni Marquez na dismayado sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa kawalan ng aksiyon sa kanilang mga hinaing.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Kabilang sa mga hirit ng grupo ay ibalik muna ang pisong provisional increase habang dinidinig ang mga petisyon nila para sa taas-pasahe.

Binigyan naman ng mga transport groups ang LTFRB ng hangang katapusan ng Pebrero at kung hindi pagbibigyan ang kanilang hiling ay itutuloy umano nila ang malawakang tigil-pasada.