7 Bgry. na may madidilim na area sa Pili, Camarines Sur, napa-ilawan na

NAGA CITY – Napa-ilawan na ang madidilim na area sa pitong barangay ng bayan ng Pili, Camarines Sur.

Kung saan 150 Solar Street Light Unit ang nailagay sa barangay ng Curry, San Antonio, San Jose, Del Rosario, Binobong, ilang parte ng Cadlan at barangay Bagong Sirang.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Francis Belen, Acting Mayor ng bayan, matagal na rin kasing request ito ng mga barangay na kailangan na rin pagtutuunan ng atensyon, crime prevention na rin kasi ito lalo na kapag gabi, ang mga barangay na nilagyan nito ay mga area na malalayo na rin at nagiging sakayan pa ng mga riding public na kailangan din mabigyan ng seguridad.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station
Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Maliban pa rito may second batch pang set ng unit ang ilalagay din sa ilang area.

Dagdag pa ng opisyal, malaking tipid ang investment nila sa solar street light na ito lalo na’t umaabot ng half million kada buwan ang binabayaran sa bill kung saan maaari pang magamit sa iba pang programa ang gagastusin.