LEGAZPI CITY – Tinatayang aabot sa 6,000 mga residente ng Sto. Domingo, Albay ang nabigyan ng free medical services sa medical mission hatid ng lokal na gobyerno katuwang ang Bukas sa Diyos Covenant Community.
Ayon kay Mayor Jun Aguas, marami ang nagsipagpuntahan upang makapag-avail ng libreng medical services.
Aniya, kabilang sa mga binigay na serbisyo sa aktibidad ay ang medical, surgical, optical at dental mula sa medical practitioners na galing pa sa Estados Unidos.
Layunin nito na matulungan ang mga walang kakayanang magpakonsulta o magpagamot pati na rin ang mga mula sa malalayong barangay na hindi kayang pumunta sa sentro upang magpatingin sa doktor.
Samantala, sinimulan noong Lunes ang aktibidad, at ngayong araw magtatapos.