80% na file sa Naga City Hall na-recover na, matapos magkaproblema sa system; ilang opisina tigil transaksyon pa rin

NAGA CITY – Nasa 80% na ang na-recover na file sa Naga City Hall, matapos na magkaproblema sa system, at ilang opisina ang pansamantalang natigil ang transaksyon.

Ito ang nakuhang impormasyon kay Mayor Nelson Legacion, kung saan hindi pa tukoy ang pinagmulan ng nasabing problema, dahil ayon sa kanilang mga Information Technology Officer, may mga email na na-infected, o kaya may na-click na maliseous link, maaari ring may infected na USB na nagamit kung saan ilang mahahalagang file ang nawala, kaya napagdesisyonang idis-connect ang internet connection.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Isa ang Assesors Office, City Engineering Office, City Treasure Office, at iba pa sa mga apektadong opisina.

Read More:  ₱1.2M worth of fake food seasoning voluntarily surrendered in Bacolod

Ayon pa sa Alkalde, isa sa hakbang ay maaaring palitan ang mga computer na matagal na rin at lumang-luma, na aabot ng P15 milyong piso ang gastos.

Sa ngayon tuloy pa rin ang restoration process at hindi pa tuluyang bukas ang ilang opisina para sa iba pang transaksyon.