Higit 6,000 motor vehicles ang nahuli nationwide sa unang 15 araw ng Hunyo, kasunod ng agresibong pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II na ang nagpapatuloy na operasyon ay dapat maging paalala sa mga pasaway na vehicle owners sa kanilang obligasyon na i-renew ang kanilang rehistro.
Dagdag pa nito, hindi lang sa pamahalaan ang responsibilidad ng pagre-renew ng rehistro – dahil responsibilidad din ito sa sarili at pamilya ng isang car owner.
Aniya, huwag nang hintayin pang magsisi sa huli.
Mataas umano ang penalty dito, at posible ring ma-impound ang sasakyan.
Batay sa datos ng LTO, kabuoang 6,064 na mga sasakyan na ang nasampulan mula June 1 hanggang June 15.