Ipinagdiwang ng Pilipinas at Iceland ang ika-25 anibersaryo ng kanilang bilateral relations.
Kasabay nito, nilagdaan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding (MOU) on Bilateral Consultations.
Sina Philippine Ambassador to Norway and Iceland Enrico T. Fos at Permanent Secretary of State Martin Eyjólfsson ang lumagda sa MOU at naging kinatawan ng mga bansa.
Itatag ng naturang kasunduan ang mechanism para sa pagkakaroon ng regular bilateral consultations para i-promote ang kooperasyon sa ilang areas of concern gaya ng pulitika, ekonomiya, at kultura ng Pilipinas at Iceland.