Nirerespeto umano ng Philippine Business for Education (PBEd) ang naging desisyon ni Vice Presidente at resigned Education Secretary Sara Duterte na magbitiw na bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Kasabay nito, umapela ang PBEd ng agarang pagpili ng bagong kalihim ng naturang kagawaran.
Ito ay upang matiyak umano ang seamless at tuloy-tuloy na transition, at para maiwasang maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.
Giit ng PBEd, napakahalaga ng continuity of leadership lalo pa’t nalalapit na rin ang sunod na school year.
Naniniwala rin ito na dapat lang ituloy ang mga programa sa ilalim ng MATATAG Agenda.
Mahalaga umano kasi ang mga ito para matugunan ang mga isyu sa education sector ng bansa.