65 consumers ng Brgy. Bacolod Tabaco City, nagpakabit na ng legal connection sa APEC

LEGAZPI-Masayang ibinalita ng Albay Power and Energy Corporation o APEC na aabot sa (65) residente ng Barangay Bacolod, sa lungsod ng Tabaco ang nagpoproseso na ngayon ng kanilang mga aplikasyon para sa kani-kanilang bagong Connection.

Personal rin na nagtungo ang personnel ng APEC sa nasabing barangay para sa pagkakabit ng smart meter sa nasabing mga residente.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang nasabing proyektong ay isinagawa para sa paglutas sa isyu ng system loss.

Sa ganitong bagay, hinihikayat naman ang publiko na mag-apply na rin ng Smart Meter at itigil na ang pagkakabit ng illegal upang manatiling maayos ang suplay at serbisyo ng kuryente sa buong Albay.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Nagpasalamat naman ang APEC animnapu’t limang (65) residente ng Brgy. Bacolod sa pakikipagtulungan at pag-aapply sa APEC Smart Meter.

Kung matatandaan, ito ang naging resulta ng nangaying kasunduan na pinirmahan sa pagitan ng APEC at barangay Bacolod para maiwasan na ang anumang kaguluhan sa kuryente.