NAGA CITY – Nag operate muli ang Anti-Smoke Belching Unit ng lungsod ng Naga na pinangungunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng ilang mga personahe ng Naga City Police Office at ng Public Safety Office.
Pinakalayunin nito ay sitahin ang mga sasakyang nagdudulot ng pollution dahil sa maitim na usok na ibinubuga ng mga ito galing sa tambutso.
Kabilang sa mga nasita ay ang mga pampasaherong bus, jeep, tricycle at mga single motorcycle na napakalakas ang tunog.
Sorpresa ang operasyon ng composite team kaya maraming nasitang mga violators.
Sa pakikipag-ugnayan naman ng Brigada News FM Naga kay Engr. Alexander Caning, Chief ng CENRO, sinabi nito na random lang ang sistema at iyong mga violators ay binibigyan ng ticket para sa mga prosesong dapat niyang itama sa sasakyan niya.
Nabanggit ni Caning na may limang araw lamang silang ibinigay na palugit sa violators para makompleto ng mga ito ang “cleansing” sa sasakyan bago muling ipasada.
An mga ganitong proseso ay regular nilang ginagawa kaya alam na anya ito ng mga drivers, sabi pa ng opisyal.