65-anyos pataas at 18-anyos pababa, bawal pa rin lumabas maliban kung essential travel

SORSOGON CITY – ‘’Essential travel.’’

Ito lamang ang tanging exemption sa ipinapatupad na direktiba kung saan ipinagbabawal ang paglabas ng mga may edad na 18-anyos pababa at lagpas 65-anyos.

Sa pahayag ni City Administrator Atty. Mark Gerald Guirindola, tiniyak nito na maliban sa mahahalagang lakad ay hindi nagbabago ang nasabing patakaran at mahigpit pa rin itong ipinatutupad.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Binigyang diin ng opisyal na tanging mga indibidwal na pasok sa nasabing age bracket subalit mayroong mga balidong rason tulad ng mga senior citizen na walang ibang kasama sa bahay o mauutusan ang maaari lamang mapayagan na makalabas.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Giit nito, istrikto nilang ipatutupad ang nasabing kautusan at titiyakin na masusunod ito para na rin sa seguridad ng publiko.

Una rito, sinabi ng opisyal na ang nasabing direktiba ay aplikable hindi lamang sa nasabing mga indibidwal kundi maging sa mga magulang na mayroong maliliit na supling o sanggol.