60 indibidwal, nabenepisyuhan sa unang araw ng paglulunsad ng programang “Kasurog Food Bank” ng Catanduanes PPO

BICOL—Nakiisa na rin ang Catanduanes Provincial Police Office sa domino effect ng Community Pantry sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Pormal na kasi nilang binuksan ang “Kasurog Food Bank” sa Camp Francisco Camacho sa bayan ng Virac kung saan namahagi ito ng mga gulay, bigas, itlog, noodles at iba pang pangunahing pangangailan na mismong galing pa sa ambag at inipong donasyon ng mga miyembro ng kapulisan at iba pang private donors.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kaugnay nito, umabot sa 60 indibidwal ang mga nabenepisyuhan sa unang araw ng paglulunsad sa naturang programa, na pinangunahan ng Catanduanes Provincial Police Office at Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Maliban pa dito, nagpapatuloy din ang kanilang operasyon sa “Kapwa Ko, Sagot Ko, Adopt An Indigent Family” kung saan personal nilang inaabot ang mga food items at iba pang ayuda, sa mga kabahayan ng piling mahihirap na pamilya sa islang lalawigan.##