Garma at Leonardo – target imbitahan ni Sen. Pimentel bilang unang resource speakers sa imbestigasyon ng ‘war on drugs’

Tiniyak ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na handa siyang pangunahan ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa war on drugs kung sakaling i-refer ito sa kanya ni Senadora Pia Cayetano, na siyang chair ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon sa senador, bilang nasa dalawang linggo na lang ang natitirang session break ay ifa-fastrack niya ang proseso sa pagsasagawa nito.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Kasunod nito, ngayon pa lang ay maglilista na umano ang komite ni Pimentel ng posibleng resource speakers na kanilang imbitahan, kung saan target nilang unang ipatawag sina retired police officer, Royina Garma at dating National Police Commission, commissioner Edilberto Leonardo.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Samantala, posibleng sa ikalawang pagdinig na umano nila ipatawag si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil nais muna nilang ma-establish sa unang pagdinig ang kwento sa likod ng naging war on drugs.