6 patay sa rabies sa So.Cot

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ang lalawigan ng South Cotabato nga anim na patay dahil sa rabies ngayong taon lamang.

Ito ang kinumpirma ni John Codilla, rabies program coordinator ng Integrated Provincial Health Office o IPHO.

Ayon kay Codilla na karamihan sa mga namatay ay hindi nagpabakuna kontra rabies pagkatapos ng mga itong nakagat ng aso.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa halip, inihayag ng opisyal na nagpagamot ang mga ito sa pamamagitan ng “tandok”, at sa mga manggagamot na gumagamit ng langis at bato.

Isa sa mga namatay ay nakapagpabakuna ngunit hindi naman nito nakumpleto ang kinakailangang dose ng anti-rabies vaccine.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dahil dito, hinihikayat ni Codilla ang mga biktima ng animal bites na agad na magtungo sa mga Animal Bite Treatment Centers at kumpletuhin ang dose ng anti-rabies vaccine.

Samantala, importante din ayon sa opisyal na pabakunahan kontra rabies ang mga alagang aso at pusa.