125 empleyado ng provl govt ng So.Cot nakatanggap ng loyalty service token

KORONADAL CITY- NASA 125 na mga empleyado ng provincial government ng South Cotabato ang nakatanggap ng loyalty service token dahil sa mahabang paglilingkod ng mga ito sa lalawigan.

Ito ay sa ilalim ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) na may layuning mabigyan ng motivation ang mga opisyal at empleyado ng lalawigan na maging produktibo at efficient sa paglilingkod sa taumbayan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kabilang sa mga awardees ang 24 employees na 10 years na sa serbisyo; 31 employees na 15 years in service; 10 ang 20 years; 19 ang 25 years; 28 ang 30 years; 3 ang 35 years; 8 ang 40 years; habang 2 naman ang 45 years na sa serbisyo.

Ang mga ito ay nakatanggap ng relo, gold necklace o gold ring at service pins depende sa tagal ng mga ito sa public service.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Maging si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ay nakatanggap din ng loyalty service token dahil sa 15 taong paninilbihan nito mula nang ito ay umupo bilang opisyal sa bayan ng Tupi.
Ang awarding ceremony ay bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na sana ay maging modelo ang naturang mga empleyado sa kanilang kapwa empleyado sa pagkakaroon ng dedikasyon at loyalty sa kanilang trabaho.