6 na mga biyahero papasok ng Catanduanes, naharang ng Provincial Border Control and Management Team dahil sa pekeng COVID-19 test

BNFM BICOL—Inihayag ng Catanduanes Incident Management Team na anim na mga indibidwal ang kanilang naharang papasok ng lalawigan matapos ang mga itong gumamit ng pekeng  COVID-19 test result.

Batay sa ulat ng IMT, hindi pinahintulutang makapasok ng Catanduanes Provincial Border Control and Management Team ang anim na mga biyaherong patungo sana sa bayan ng Viga, matapos nilang makumpirma na palsipikado ang isinumeteng RT-PCR test result ng mga ito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Dagdag pa ng nasabing tanggapan, na beberipika nila kung peke ang mga ipinapasang dokumento gaya ng COVID-19 test, sa pamamagitan ng pag scan sa QR Code na naka attached sa naturang dokumento dahil ang QR Code na ito ay mula sa mga lehitimo at accredited laboratories.

Matatandaang ngayong nasa ilalim ng Alert Level 3 ang islang lalawigan,  naglabas ng bagong kautusan ang Provincial Government kaugnay ng pag re-require ng negative RT-PCR test sa mga biyaherong magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 pataas, anuman ang vaccination status.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mariin ring ipinaalala ng IMT na ang sinumang mapapatunayang nameke ng mga travel documents ay maaaring maharap sa kasong falsification of public documents at paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang  “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”###