BNFM Bicol- ARESTADO ang 6 na indibidwal sa isang araw na operasyon ng Philippine National Police o PNP Bicol kontra ilegal na droga sa rehiyon.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang aabot sa 36.556 grams ng pinaghihinalaang shabu na abot sa Php 248,580.80 ang kabuoang halaga.
Una na rito ang dalawang suspek na sina alyas: “Rod” at “Kent,” ng Libon, Albay; “Aye” ng Camarines Sur; alyas “Mab,” at “Rick,” naman ng Naga City, at sin alyas “Soli” Naman ng Masbate.
Samantala nasa kustudiya nan g PNP ang lahat ng mga nakumpiska at lahat namang mga akusado ay nahaharap sa kasong may kinalaman sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ### KENNETH BERMIL
IMAGE: For illustration purposes only