6 na empleyado ng MGB Bicol nagpositibo sa Covid-19

LEGAZPI-Pansamantala munang isinara ang opisina ng Mines and Geosciences Bureau Regional Office No. V matapos magpositibo sa sakit na covid-19 ang 6 na empleyado nito.

Sa ibinabang Notoce to Public ng ng MGB Bicol na pirmado ni Regional Director Guillermo Molina, epektibo ito noong nakaraang byernes hanggang bukas, Setyembre 28.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Ito ay para mabigyan ng daan ang disinfection sa lugar at para masiguro rin ang kaligtasan ng ibang empleyado.

Read More:  ₱3.7M worth of suspected marijuana seized in Cebu City

Dagdag pa nito, ang pagsasagawa ng RT-PCR Testing ay sa inisyatibo ng ahensya, matapos makitaan ng ilang sintomas ang mga empleyado.

Sa ngayon, naka-isolate na ang nasabing mag empleyadong nagpositibo sa nakakahawang sakit.