53 anyos na ginang sugatan matapos mabundol ng multicab ang sinasakyang motorsiklo

SUGATAN na isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang motorcycle rider, sanangyaring vehicular accident sa may bahagi ng Purok Morillo Bridge, Barangay Sta. Cruz, Koronadal City. Kinilala ang biktima kay Normilita Pido, 53 anyos, may asawa, residente ng Purok Megaland, Barangay Carpenterhill nitong lungsod.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa imbestigasyon ng Traffic Section ng Koronadal City Police Station na habang minamaniho ng biktima ang topdown nito mula sa may bahagi ng Barangay Sta. Cruz patungo sa deriksyon ng Robredo Street, subalit pagdating sa naturang lugar, aksidente na ang likurang bahagi nito ay nabundol ng isang Multicab na minamaniho naman ni Cheery Emas, 45 anyos residente rin sa naturang lugar.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil dito nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima at agad na isinugod sa pagamutan para sa tulong medical.