50K FFP – ipadadala ng DSWD sa mga apektado ng pagsabog ng #KanlaonVolcano

Nagtungo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Negros Oriental para pangasiwaan ang response operations sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Canlaon.

Nakipagpulong ito sa mga opisyal ng field offices ng DSWD sa Western at Central Visayas upang matalakay ang mga plano para matiyak ang kaligtasan at kalagayan ng mga apektadong residente sa mga rehiyon.

Ani Gatchalian, kailangan nilang ipakita sa mga tao na isinasaayos nila ang sitwasyon bago pa ito lumala.

Siniguro din ng kalihim na handa sila para sa ‘worst’ scenario.

Samantala, ipinag-utos ng opisyal sa mga regional directors na panatilihin ang ugnayan sa central office ng ahensya, at ipagpatuloy lang ang monitoring sa sitwasyon.

Dapat din umanong maging proactive ang mga ito, at makipag-usap din sa mga lokal na opisyal sa lugar.

Inaasahan namang aabot sa hanggang 50,000 ang bilang ng mga family food packs na ipadadala bukas sa mga apektadong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *