Naisampa na sa Makati Regional Trial court ang kasong murder laban sa road rage suspek sa Ayala, Makati na ikinamatay ng isang driver.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y makaraang makitaan ng Makati City Prosecutor’s Office ng probable cause para sampahan ng kaso ang suspek.
Nailabas ang resolusyon kahapon.
Bukod sa kasong murder, nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591.
Ito’y makaraang makumpiska sa kanya ang baril na ginamit sa krimen , magpositibo ito sa parrafin test at lumabas din ballisitic examination na ang pag-aaring baril nito ay nag match sa empty shell na narekober sa crime scene.
Dagdag pa ng opisyal na plano na rin aniyang kanselahin at i-revoke ng PNP Firearms and Explosives Office ang License to Own and Posses Firearm at firearms registration ng suspek.