500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, dumating sa PH

Nasa kalahating milyong doses ng Sinovac vaccines ang dumating ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pandagdag sa suplay ng bakuna sa bansa. 

Dumating kaninang alas 7:35 ng umaga ang mga bakunang gawa ng Chinese firm na Sinovac BioNTech lulan ng Cebu Pacific flight.

Sa kabuuan, 5.5 milyong doses na ng Sinovac vaccine ang naipadala sa Pilipinas, 1,500,000 noong May 7; 500,000 noong April 29; 500,000 noong April 22; 500,000 noong April 11; 1 milyon noong March 29; 400,000 noong March 24; 600,000 noong February 8; at 1.5 milyon noong May 7. 

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Ang mga ipinadala noong February 28 at March 24 ay idinonate ng Chinese government habang ang ibang shipments ay binili ng gobyerno. 

Personal na sinalubong ni Health Secretary Francisco Duque III ang latest shipment ng mga bakuna. 

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Una nang sinabi ng kalihim na di sapat ang mga parating pang suplay ng COVID-19 vaccines para mabakunahan ang essential workers. 

Posibleng i-deploy ang bagong dating na mga doses sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases gaya ng NCR Plus o sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan), at sa Cebu at Davao City.