5,000 pesos minimum wage sa mga kasambahay sa BARMM, inaprubahan

Nilagdaan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Bangsamoro Government ang wage order para sa mga kasambahay.

Ayon kay Bangsamoro Labor Minister Sema, nakasaad sa Wage Order No. DW – 01 na 5,000 pesos na ang minimum wage o pasahod para sa kasambahay sa loob ng isang buwan.

Read More:  LTO probes alleged drag racing on public road in Cebu

Ipatutupad ang kautusan sa buong rehiyon, kabilang ang walong bayan sa Special Geographic Area.

Read More:  Basilan RTC judge shot dead in Zamboanga City

Magiging epektibo ang wage increase labing limang araw (15 days) matapos ang publication nito sa mga pahayagan. | Roy Holgado