Natimbog ang dalawa katao habang aabot sa isang kilo ng shabu na may katumbas na halagang P6,800,000.00 ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agecy- Bangsamoro Autonomous Region bandang alas 3:25 ng hapon kahapon sa Gov. Gutierez Avenue, Brgy. Rosary Heights IX.
Kinilala ni PDEA BARMM Information Officer Agent JO MARY ang mga suspek na sina EBRAHIM ESMAEL alyas THO at DALI ABDULKARIM, kapwa mga nasa hustong edad, may mga asawa at barangay ng Bulalo at barangay Tambak sa bayan ng Sultan Kudarat sa Magundanao del Norte.
Ayon kay Agent Jo, tatlong linggong sinubaybayan ng kanilang opisina ang galawan ng mga suspek at sa ilang beses na pagtatangkang huliin ang mga ito ay nabigo sila dahil may kaduylasan aniya, hanggang kahapon ay nalambat din matapos kumagat sila sa kanilang paing ng PDEA.
Sa panayaam ng Brigada sa suspek na si EBRAHIM ay sinabi nito na ang kahirapan sa buhay ang nagtulak sa kanya upang pasokin ang naturang gawain kung saan kikita umano ito ng P50,000.00 kung nadispose nila ang kontrabandong sisira sa buhay ng mga kabataan.
Kasong paglabag sa Section 5 ng Article 2 of Republc Act 9165 o may kaugnyan sa pagbebenta ng iligal ng droga ang kakaharapin ng dalawang drug peddlers na himas rehas na sa pasilidad ng PDEA BARMM. (Rocky Daemon Lauban)