PH, binigyan-diin sa US ang karapatan ng bansa sa WPS matapos ang air, sea incident dahil sa agresibong aksyon ng China

Muling binigyan-diin ng Pilipinas sa Estados Unidos ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Ito’y kasunod ng air incident matapos magpakawala ng flares ang People’s Liberation Army – Air Force ng China sa Philippine Air Force na nagsasagawa lamang ng maritime patrol sa Bajo de Masinloc.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Nasundan pa ito ng pagbangga ng dalawang barko ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard habang patungo sa Patag at Lawak Island.

Sa pag-uusap sa pamamagitan ng telepono ni
National Security Adviser Eduardo Año at US National Security Advisor Jake Sullivan, kapwa naghayag ng pagbakabahala ang dalawang opisyal sa iligal, agresibo at mapanganib na aksyon ng China.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

Samantala, inihayag naman ni Año ang pasasalamat sa Estados Unidos sa patuloy na suporta at “ironclad commitment” sa alyansang Pilipinas-Estados Unidos.

Habang pinuri ni Sullivan ang hakbang ng Pilipinas sa pagpapalawak ng maritime cooperative activities sa mga like-minded na bansa sa rehiyon.