50 pulis kabilang ang 2 heneral, nahaharap sa reklamo dahil sa P6.7B drug haul

Sinampahan na ng reklamo sa Office of the Ombudsman ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang limampung pulis kaugnay ng nakumpiskang halos isang toneladang shabu sa Maynila noong nakaraang taon.

Sa press briefing sinabi ni Sec. Benhur Abalos,  kasong paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act, Comprehensive Dangerous Drugs Act, gayundin ang Falscification, Perjury, False Testimony, Malversation of Public Funds at obstruction of justice ang kanilang isinampang mga reklamo.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa 50 pulis, 12 ay commissioned officers kabilang sina Police Lieutenant General Benjamin Santos Jr., Police Brigadier General Narciso Domingo, at Police Colonel Julian Olonan gayundin ang 38 non-commissioned officers.

Kasama rin sa listahan si dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr., na naaresto dahil sa illegal drug haul noong October 2022.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Nakumpleto na rin ng Napolcom ang pre-charge investigation sa 48 pulis na nakita sa CCTV video at inaasahan na ilalabas na nito ang resolusyon sa susunod na 15 araw.

Bukod sa reklamong kriminal, nagpapatuloy ang Napolcom sa administrative proceedings nito laban sa mga sangkot na pulis.

Ayon kay Abalos, command responsibility ang dahilan kaya maraming opisyal ng PNP ang nadawit sa kaso.//CA