SBP, magde-deploy ng 1,000 volunteers para sa FIBA World Cup

Mahigit 1,000 volunteers ang ide-deploy ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Local Organizing Committee para sa nalalapit na FIBA Basketball World Cup 2023.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, ang mga kwalipikadong volunteers ay dumaan sa training sessions kasama ang Department of Tourism (DOT) upang bigyan ng magandang karanasan sa mga dayuhang makikilahok sa World Cup sa pamamagitan ng “Filipino Brand of Service Excellence.”

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games
Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Dagdag pa nito, 13,000 ang kabubuan ng nag-sumite ng aplikasyon ngunit 1,017 lang ang binigyan ng posisyon.

Matatandaang inilunsad ng SBP ang Volunteers Program noong Nobyembre 2022 at lumikha ng sariling website para sa mga interesadong Pilipino.