CAMARINES SUR- Lima ang patay habang tinatayang 90 ang naospital sa Caramoan, Camarines Sur dahil sa diarrhea.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Christian Aries Guevarra. Ang mga nasawi ay mga residente ng Barangay Maligaya.
Habang hindi na nadagdagan ang 20 mga apektado sa Barangay Haponan, pero dumami naman ang nagkakasakit sa Barangay Maligaya. Bukod dito sinabi rin ng MDRRM Officer na umabot na sampung mga barangay ang nakapagtala ng pasyente , ang iba sa mga ito nakainum sa barangay na kontimanado ang tubig.
Ang mag pasyente ay dinala sa Caramoan Municipal Hospital at Garchitorena Medicare, ang iba sa kanila inililipat sa ospital sa Naga City.
Dahil dito sinabi ni Guevarra na naikonsidera ng Rural Health Unit na outbreak.
Kasama sa mga pasyente ang 4-anyos na anak ni Warlyn Ordejon, nagsuka at panay aniya ang dumi ng kaniyang anak, ngayon ay medyo bumuti na nag pakiramdam.
Samantala nagkaroon na rin ng stool collection at random water sampling sa mga apektadong barangay, hinihintay ang resulta kung bakit nakontamina ang tubig.
Tuloy ang pagbibigay ng gamot ng LGU at Provincial Government, kahapon sinabi ng Environment, Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) sa Brigada News FM Naga na nag augment din na nurses at doctor pati ambulansya, nakatakda rin ang mass chlorination.
May ayuda na ang LGU sa mga apektadong pamilya.