5 NPA, nadakip habang sumisilong sa isang bahay sa San Jacinto, Masbate

SORSOGON CITY – Arestado ang limang kasapi ng New People’s Army (NPA) makaraang mainguso ang mga ito ng isang concerned citizen habang sumisilong sa isang bahay sa Brgy Piṅa ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga ito na sina Michael Funelas alias Argie, Myra Letada alias Myra, Maricris Letada alias Sarah, Sheryl Salazar alias Sheryl, at Vicky Ontog alias Vicky, lahat miyembro ng Platun 2, Larangan 1, Komiteng Probinsya 4.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon pa sa ulat, sa isang bahay na may layong 100 metros sa pinagsilungan ng mga rebelde ay narekober ng mga awtoridad ang isang improvised shotgun, 5 molotov bombs, bandolier na may 8 magazine, mga bala para sa M16 rifle, tatlong commercial radios, mga baterya, charger, remote control para sa anti-personnel mine (APM) isang rolyo ng detonating cord, cell phone, hammock at iba pang personal na kagamitan ng mga rebelde.   

 Inaalam na ngayon ng PNP-Masbate kung may iba pang kinasasangkutang krimen ang mga nadakip at iimbestigahan din kung may iba pang kaanak ang mga ito na miyembro o supporter din ng rebeldeng grupo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na sa pagsurender kamakailan ng 246 ng miyembro at tagasuporta ng NPA, pumapalo na sa 1,065 ang kabuuang bilang ng surrenderers ngayong taon.

PHOTO: San Jacinto MPS