5 naglalaro ng Tupada, arestado sa San Jose, Batangas

SAN JOSE – Nakakulong na ngayon ang limang kalalakihan matapos na maaresto ng mga awtoridad na naglalaro ng iligal na sabong sa Sitio Alagao, Brgy. Galamay-amo, San Jose, Batangas.

Kinilala ang mga naaresto na sina JR Valenzuela, 18-anyos; Jerwin Silva, 28 anyos; Alouisius Gonzales, 36 anyos; John Michael Tuazon, 27 anyos at Lito Yongque, 53 anyos, pawang mga residente ng naturang bayan.

Read More:  Two Davao Mighty Steel workers test positive for high radiation exposure, NBI says

Ayon sa imbestigasyon, aktong nahuli ang mga suspek na nagtutupada sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga awtoridad.

Read More:  Academe, religious groups to hold prayer rally against SOCOTECO II-Ignite Power JVA

Narekober mula sa kanila ang limang manok, ilang set ng tari at perang nagkakahalaga ng 1,006 pesos.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree o PD 449 o Cockfighting Law of 1974.