12 milyong Pinoy, nabakunahan na vs. COVID-19

Pumalo na sa 12 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na ng gobyerno, mahigit apat na buwan matapos ilunsad ang vaccination program.

Sa ceremonial vaccination event sa Clark Pampanga ngayong araw, sinabi ni pandemic response chief implementer Secretary Vince Dizon na nakapagbakuna ang bansa ng isang milyon sa loob ng apat na araw.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mababatid na kahapon, una nang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na 11,708,029 doses na ang naiturok sa mga Pinoy as of July 4.

Kabuuang 8,839,124 katao ang nakatanggap ng isang shot ng COVID-19 vaccine habang 2,868,905 ang fully-vaccinated na.

Sinabi ni Dizon na sa oras na dumating ang mas maraming suplay ng bakuna, naniniwala syang maaabot ng Pilipinas ang target ngayong taon na makapagbakuna ng 50 milyon hanggang 70 milyong katao at magbakuna ng 500,000 doses kada araw.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Matatandaang mayroon nang 1.4 milyong kaso ng COVID-19 sa bansa, 1.3 milyon ang naka-rekober na sa sakit, habang 24,192 ang namatay.