Nakilala na ang pito mula sa 49 sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Cirilito Sobejana, tinutukoy ang mga labi ng nasawing sundalo sa pamamagitan ng DNA testing at dental records ng mga nito.
Kaugnay nito, narekober na rin ang black box ng eroplano kahapon ng umaga.
Nasa mga imbestigador na umano ang black box at sinusuri at pinapakinggan na kung ano ang huling naging pag-uusap ng pioto sa crew.
Aniya, ipinag-utos na nya sa Philippine Air Force na i-review ang airworthiness ng aircraft ng militar at ang standard safety at procedures.
Dagdag ni Sobejana, bukas ang AFP sa legislative investigation sa insidente.
Mababatid na mahigit 50 katao mayorya ay mga sundalo ang nasawi sa insidenteng nangyari noong Linggo.
47 sundalo at apat na sibilyan naman ang nasugatan sa trahedya.