5 katao sa Cauayan City, timbog matapos maaktuhang naglalaro ng pusoy dos

Timbog ang limang katao matapos mahuli sa aktong naglalaro ng pusoy dos sa Purok 7, Sillawit, Cauayan City noong hapon ng Linggo, May 2, 2021.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan City, ang mga nahuli ay kinilalang sina Michael Balantac, 31 anyos, isang magsasaka Joven Cara, 49 anyos, tricycle driver; Arnold Bugawan, 42 anyos, tricycle driver; Shiela del Rosario, 27 anyos, walang trabaho; at Ryan Jaronel, 26 anyos, isang vendor na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Unang nakatanggap ng tawag ang PNP Cauayan kaugnay sa nangyayaring ilegal na sugal sa barangay kayat agad na tumugon ang mga otoridad na nagresulta ng pagkakahuli ng mga suspek.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakita ng mga otoridad ang limang katao na naglalaro ng sugal sa isang open area na tabi ng kalsada.

Nakumpiska ang isang set ng baraha, at 937 pesos na bet money.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pnp cauayan city ang mga suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law.