Echague, Isabela; isinailalim sa GCQ bubble, ilang restrictions, ipinatupad

Isinailalim ngayong araw, May 3, 2021 sa General Community Quarantine Bubble ang bayan ng Echague, Isabela.

Ito ay sa bisa ng executive order no. 18 na inilabas ni Mayor Francis Faustino “Kiko” Dy.

Ginawa ang naturang hakbang dahil sa pagtaas ng mga naitatalang positibong kaso ng COVID-19 at bilang ng mga nasasawi may-kaugnayan sa nasabing sakit sa munisipalidad nitong nagdaang buwan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Dahil dito ay ipinatupad ang mas mahigpit na implementasyon ng mga health protocols kung saan isasailalim sa mandatory triage sa mga non-residents ng bayan katulad ng mga contract workers, temporary transient  LSI mula sa ibang probinsya o rehiyon at ROFs.

Epektibo rin ang curfew hours simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, liquor ban at bawal din ang dine-in.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Pinagbabawalan ding lumabas sa kanilang mga tahanan ang mga edad 18 pababa at 65 pataas.

Habang limitado ang mass gatherings sa sampung katao na dadalo.

Inaasahan naman ang pagsasailalim sa bayan sa GCQ bubble na maibsan ang transmission ng COVID-19.