5 indibidwal maaring magbigay linaw sa ‘forgery’ ng pirma ni Pangulong Marcos – CIDG

Lima ang natukoy ng Criminal Investigation and Detection Group na maaring makapagbibigay linaw sa umano’y forgery, para palabasing nagtalaga si President Ferdinand Marcos Jr. ng commissioner sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay CIDG director Police Brigadier General Ronald, tatlo sa limang indibidwal ay nakatanggap na umano ng subpoenas.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kaugnay nito, tinutukoy pa ng mga otoridad ang address ng dalawang iba pa.

Dagdag ni Lee, na ang lahat ng mga nakuhang impormasyon ay subject pa sa further evaluation at validation.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Ang isyu ng forged signature ay lumutang, matapos na matanong ng mga reporters ang Palasyo para kumpirmahin kung may naitatalaga nang bagong BI commissioner.

Pero batay sa checking at verification, pinabulaanan ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na may appointment document na nilagdaan si Marcos.