‘Wala pang nahahawa ng COVID-19 sa mga paaralan mula nang magbukas ang klase’ – DepEd

Iniulat ng Derpartment of Education na wala pa ring nagpopositibo sa COVID-19 sa mga learners, pati na rin sa mga teaching at non-teaching personnel.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na mula nang magbukas ang klase nitong Agosto 22, walang na-infect ng nakahahawang virus kahit na mayorya ng mga paaralan ay nagpatupad na ng face-to-face classes.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Sa kabila nito, tiniyak ni Poa na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng mahigpit na health protocols sa mga paaralan para masigurong hindi magkakahawahan ng COVID-19.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Pagdating naman sa vaccination status ng mga learners, sinabi nito na isinasagawa pa rin ang counseling kasama ang mga magulang para malaman kung sino ang willing mabakunahan sa mga paaralan.