Comelec nasa 80% nang handa matuloy man o hindi ang Barangay at SK elections ngayong taon

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na 80% na silang handa para sa pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre, sa kabila ng mga panawagan ng mga mambabatas na ipagpaliban ito.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, ilalabas narin sa mga susunod na linggo ang mga panuntunan, at ang pag-imprinta ng balota ay sisimula na sa susunod na linggo.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Una nito, noong Aug. 16, inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na ipagpaliban ang nalalapit na barangay at SK polls, mula Dec. 5, 2022 sa Dec. 4, 2023 nalang.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa gitna nito, tiniyak ni Garcia na walang masasayang sakaling tuluyang aprubahan ng Kongreso ang pagpapaliban sa halalan sa susunod na taon.

Pero kasabay nito, kailangan ng poll body ng karagdagang 18 billion kung sa susunod na taon pa gagawan ang BSKE.