5-anyos, patay sa bugbog ng amain sa Laguna

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang limang taong gulang na bata sa kamay ng kaniyang stepfather o amain matapos paluin ng bote ng softdrinks sa ulo at suntukin sa mata sa San Pedro City, Laguna.

Batay sa ulat ng San Pedro City Police Station, wala ang ina ng bata nang mangyari ang pananakit ng suspek at bago pa ang insidente ay napag-alamang nag-away ang ina at ang suspek.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Panandalian umanong iniwan ng ina sa suspek ang bata para humanap ng tulong para sa pampagamot ng biktima dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Ngunit laking gulat nito pagkauwi, nang madatnan niya sa kanilang bahay ang mapait na sinapit ng kaniyang anak.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Isinugod pa sa ospital ang bata ngunit agad din itong idineklarang dead on arrival.

Patuloy namang tinutugis ng San Pedro City Police Station ang suspek upang managot sa ginawa nitong krimen.