5-anyos na bata sa Cagayan, nasawi matapos malunod sa swimming pool

𝟱-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗪𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗢𝗟 Nasawi ang limang taong gulang na bata matapos malunod sa isang swimming pool sa Gonzaga, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakita sa CCTV footage ng resort na unang kasama ng biktima ang dalawang bata at isang matanda sa pool na pambata.

Nang umalis ang mga kasama ng biktima sa pambatang pool ay ilang sandali lamang nakita na ito sa gilid ng pool para sa mga adult na mayroong lalim na anim na talampakan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa puntong iyon ay biglang tumalon ang bata sa nasabing pool na nagsanhi ng kaniyang pagkalunod at hindi na umabot pang buhay sa pagamutan.

Salaysay ng magulang ng bata, kampante itong ibinilin ang kaniyang anak sa kaniyang mga kaanak at sa oras na nangyari ang insidente ay naka-break naman ang lifeguard ng resort.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at magkakaroon pa ng pag-uusap ang may-ari ng resort at pamilya ng biktima.

Enter

You sent

Open photo