4P’s beneficiaries na ‘nakakaluwag’, kakasuhan kung hindi ibabalik ang benepisyo

Pinag-aaralan na ng legal department ng Department of Social Welfare & Development ang pagsasampa ng kaso sa mga hindi umano karapatdapat na maging 4P’s benefiaries subalit tumanggap   ng benepisyo.

Sa panayam ng Brigada kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, sinabi nitong ‘on-process’ na sila ng verification sa listahan ng mga benepisyaryo upang malaman ang totoong estado sa buhay ng mga ito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa oras malaman na ‘nakakaluwag’ sa buhay o hindi kwalipikado ang tumatanggap ng benepisyo ay ipapabalik sa kanila ang perang natanggap at kapag hindi ito ginawa ay dito na magsasampa ng kaso ang kagawaran.

Samantala, ang perang ibabalik ng mga hindi dapat beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program ay ibibigay sa mga nasa waiting list o umaasang mapapabilang sa programang ito ng gobyerno.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan.

Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang.