Online shopper, nadismaya sa dumating na package na maraming basura

Nadismaya ang isang negosyante mula sa Barangay 1, Roxas Palawan sa dumating na package na in-order nito online.

Sa halip kasi na shorts (Taslan) ay mga basura ang karamihan sa laman ng in-order niya sa halagang halos tatlong libong piso sa seller.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Ito raw ang unang pagkakataon kung saan mga dyaryo ang laman ng package na dapat raw sana ay 30 piraso ng shorts pero walo lang ang dumating.

Read More:  Two Davao Mighty Steel workers test positive for high radiation exposure, NBI says

Agad na nakipag-ugnayan si Yanie Mangondato Khalil sa rider ng delivery firm (J & T Express) at ibinalik ang parcel.

Samantala, kukunin na lamang umano ng courier company ang item at sila na ang magsasauli nito sa seller, ayon pa kay Yanie.