Batasang Pambansa papayagan ang ‘full capacity’ sa unang SONA ni PBBM

Papayagan na ang ‘full capacity’ sa sa loob ng Batasang Pambansa sa unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na July 25 ngayong taon.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza aabot sa 1,200 katao ang maaring makapasok sa araw ng SONA kabilang na ang nasa 300 congressmen, 24 senators, at mga miyembro ng diplomatic corps.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Subalit nilinaw ni Mendoza na limitado lamang ang bilang na mga guests at miyembro ng media ang papayagang makapasok sa loob ng Kamara.

Samantala, sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanda sa seguridad para sa unang SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Sinabi ni PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon na sinusuri nila ngayon ang lahat ng mga plano sa seguridad mula sa mga nakaraang SONA upang gamitin ang mga pinakamahusay na kasanayan at gumawa ng mga adjustment kung kinakailangan.