‘Iligal’. Ito ang binigyang-diin ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. Sa pagkumpiska ng mga Chinese sa supplies ng mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre.
Nangyari ang insidente sa air drop resupply mission noong May 19 kung saan nakipag-agawan ang mga tauhan ng Peoples Liberation Army Navy sa food supplies na para sa mga sundalong Pilipino.
Sakay ang mga Chinese ng Rigid hull inflatable boats.
Sa kabila ng insidente, itinuring na matagumpay ng AFP ang resupply mission.
Sinabi ni Brawner, nai-report na nila ito sa Department of National Defense at Department of Foreign Affairs para sa kaukulang aksyon.
Samantala, pinabulaanan din ni Brawner ang umano’y panunutok ng baril ng mga sundalo.
Pero hindi niya dinenay na armado ang mga sundalong nasa BRP Sierra Madre.
Ayon sa opisyal, ang BRP Sierra Madre at isang commissioned Navy ship kung saan ang mga tauhan nito ay otorisadong magkaroon ng armas bilang kanilang self defense.
Iginiit ng AFP na sumusunod sila sa rules of engagements at kumikilos sa nang may pinakamataas na antas ng propesyonalismo, restraint at discipline sa kanilang mga tauhan sa tungkuling pangalagaan ang ating soberanya at mga karapatan sa teritoryo ng bansa.
Muli rin nilang binigyan-diin ang kanilang dedikasyon sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.